-- Advertisements --
Labis ang pasasalamat ni Filipino legendary singer Freddie Aguilara matapos na gawaran siya ng Dangal ng Panitikan ng 2021 ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) na ginanap nitong Martes sa lungsod ng Makati.
Ayon sa KWF na malaki ang naging ambag ni Ferdinand “Ka-Freddie” Aguilar sa panitikang Pilipino ganun din sa pagpapahalaga ng kultura sa pamamagitan ng kaniyang pagkanta.
Hindi na personal na nakadalo ang singer at nagpadala na lamang mensahe sa pamamagitan ng isang video.
Magugunitang noong 2018 ng kinilala din ang singer sa senado dahil sa Sining at Kultura kasabay ng ika-40th anibersaryo ng kaniyang pinasikat na kantang “Anak”.