-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuhos ng pagbati kay dating Pinoy boxing champion Manny Pacquioa matapos na mahalal bilang Hall of Famer class of 2025.

Nanguna sa nagbigay ng pugay ang long-time trainer at coach nito na si Freddie Roach.

Sinabi nito na lubos ang kaniyang kasiyahan dahil sa pagkakapasok ng pangalan ni Pacquiao sa International Boxing Hall of Fame.

Kuwento pa ng beteranong boxing coach, na noong 2001 ng buksan niya ang kaniyang Wild Card Boxing Club ay umaasa ito mayroong susunod sa yapak ni Muhammad Ali.

Hindi ito nabigo ng pumasok sa kaniyang training camp si Pacquiao.

Sa loob ng 20 taon na hawak si Pacquioa ay nasubaybayan nito ang matagumpay na boxing career nito lalo na sa mga pagkulekta niya ng mga iba’t-ibang boxing belt.

Bukod kay Roach ay may ilang kapwa Pinoy boxers at mga atleta ang bumati sa dating senador.

Magugunitang pinasalamatan ni Pacquiao ang pagkakapili sa kaniya dahil sa hindi nalimutan ang mga pagpursige nito para maging matagumpay na boksingero.