-- Advertisements --

Itinalaga ng Philippine Football Federation (PFF) si Freddy Gonzales bilang Director ng National Teams.

Si Gonzales ay dating manlalaro ng national football team mula 1997 hanggang 2002.

Siya ang mamumuno sa Azkals para sa paghahanda nila sa FIFA World Cup 2026 qualifying matches sa buwan ng Marso.

Itinuturing naman ni Gonzales ang pagkakatalaga sa kaniya bilang isang malaking karangalan.

Ayon naman kay PFF president John Gutierrez na may malaking tulong para sa Azkals ang naging karanasan ni Gonzales.