-- Advertisements --

Pinapirma na sa kontrata ng Dallas Mavericks ang free agent na si Frank Ntilikina.

Ang guard na nasi Ntilikina ay inabot din ng apat na taon sa New York Knicks na kumuha naman sa kanya bilang eighth overall pick.

Frank Ntilikina
Frank Ntilikina

Ang 23-anyos na si Ntilikina ay nag-a-average ng 5.5 points at 2.7 assists sa Knicks.

Ipinanganak siya sa Belgium at lumipat sa France noong tatlong taong gulang.

Habang nagsimula siya sa professional career noong 2015 sa French pro league.

Naglaro rin si Ntilikina sa Tokyo Olympics sa France kung saan natalo sila sa US sa gold medal game.

Sinasabing pinapalakas ng Mavericks ang kanilang guards sa free agency kung saan kinuha rin ang veterans na sina Sterling Brown at Reggie Bullock upang suportahan ang kanilang star point guard na si Luka Doncic.

Una nang pinapirma muli ng Dallas ang kanila shooting guard na Tim Hardaway Jr.