-- Advertisements --
Pinagtibay na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 5001 o “Free College Entrance Examinations Act” sa botong 252.
Layon ng nasabing panukala na bigyang pagkakataon ang mga underprivilege na mga high school student na makapili ng gustong kurso at makapag-aral sa kolehiyo o unibersidad na kanilang gusto.
Sa sandaling maging ganap na batas, ang mga mag-aaral na ang mga magulang ay kumikita ng mas mababa sa poverty threshold batay sa pagsala ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) at kabilang sa top10 percent ng graduating class ay hindi na pagbabayarin ng kanilang college entrance exam.