-- Advertisements --
Manny Pacquiao
Manny Pacquiao/ FB post

Inilunsad na ni Sen. Manny Pacquiao ang kaniyang sariling cryptocurrency kasabay ng kaniyang handog na free concert sa Araneta Coliseum.

Tinawag ito ng “Pac” tokens kung saan pinapayagan ang mga fans na bumili ng kaniyang mga produkto at makasalamuha ito sa pamamagitan ng social media.

Ang “Pac” token ay kabilang na sa Global Crypto Offering Exchange (GCOX) ng Singapore.

Ilan sa mga investors nito ay si ex-Liverpool at England soccer star Michael Owen at Sheikh Khaled bin Zayed al-Nahyan, isang miyembro ng ruling family sa Abu Dhabi.

Ito na rin ang kauna-unahang celebrity cyrptocurrency.

Balak din nina tennis star Caroline Wozniacki, Owen at singer Jason Derulo na maglunsad ng sariling crypto token sa pamamagitan ng GCOX.

Ayon kay GCOX founder at CEO Jeffrey Lin, hindi sila nagpaparami ng pera at sa halip ay bumubuo lamang sila ng ecosystem.

Sa nasabing concert ay inawit ng fighting senator ang mga kanta sa kanyang album at ilang mga cover ng sikat na love songs.

Una nang ipinagmalaki ng Pinoy ring icon na kabilang sa kanyang mga celebrity guests ay sina Gary Valenciano, Xian Lim at iba pa.