Isinusulong ng ilang mambabatas ang free medical checkup sa bansa sa lahat ng members sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth upang masiguro na lahat ay may sapat na access na matugunan ang iniindang karamdaman o di kaya malaman kung mayroon mang potential serious health condition ang isang tao.
Ayon Davao City 1st District Representative Paolo Duterte, sa ilalim ng Universal Health Care Act lahat ay automatic na member ng PhilHealth, kailangan umano na kasama na sa benepisyo ng nasabing ahensya ang free medical checkups.
Inihain nina Rep. Duterte, Benguet Rep. Eric Yap and Rep. Edvic Yap ang House Bill 5074 na naglalayong magkaroon ng automatic na free blood sugar at cholesterol test kada taon.
“To promote health, identify risks, and ensure early diagnosis, PhilHealth shall establish a system that allows access to a free annual medical check-up and ensure that Filipinos shall be accorded the quality health care services that they deserve,” ito ay nakapaloob sa inihaing panukalang batas.
Dagdag pa ni Rep. Duterte, ang paglalaan ng oras sa free medical checkups ay malaki ang maitutulong sa pagsalba ng buhay ng isang tao at masiguro na walang maiiwan pag dating sa health care sa bansa.
Samantala, tatlong mambabatas naman ang nag apela ng expansion ng laboratory at diagnostic test sa nasabing free annual medical checkup, depende parin umano sa availability ng pondo ng PhilHealth.