LAOAG CITY – Masayang ipinaalam ni Engr. Neil Jose, ang Former National President ng Pugad Lawin na iaalok nila ang libreng sakay sa mga debotong o ang tinatawag na “Visita Iglesa Free Ride”.
Ayon kay Jose, naobserbahan nila na maraming mga tao ang nahihirapan sa tuwing Visita Iglesia dahil wala silang masakyan.
Inihayag nito na dalawang bus ng Pugad Lawin ang gagamitin ng mga deboto na papasyal sa pitong Simbahan.
Sinabi nito na kada simbahan na kanilang papasyalan ay mabibigyan lamang ng 15 na minutos ang mga ito dahil magkakalayo ang mga Simbahan.
Aniya, alas-siete ng umaga ang call-time sa mga sasakay sa bus at kung hindi kayang isakay lahat ay magkakaroon ng second trip sa hapon.
Kabilang sa mga Simbahan na kanilang bibisitahin ay ang Mangato Church, Paoay Church, Currimao Church, Badoc Church, Sinait Church, Batac Church at ang San Nicolas Church.
Samantala, maliban sa libreng sakay ay mamimigay rin ng grupo ng tubig at pagkain.
Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon ng may free ride dahil mismong pamilya nito ang nag-aalok sa tuwing Visita Iglesia.