Nakatakdang ipatupad ng Philippine National Police (PNP) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang freeze order sa dalawang ari-arian ng drug lord na si Rustico Ygot.
Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, bukas nila ipatutupad ang nasabing freeze order na kinabibilangan ng isang beach resort at bahay na pag-aari ni Ygot sa Dumaguete City.
Kasama ng PNP sa pagpapatupad ng nasabing kautusan ang Anti-
Money Laundering Council (AMLC).
Nuong nakaraang Linggo, ipinatupad din ng PNP at AMLC ang freeze
order sa mga ari-arian ng nakakulong na drug lord sa Cebu City na si
Charlie Duhaylungsod Fortuna.
Si Ygot ay napatay sa naganap na riot sa New Bilibid Prison nuong
October 20,2020.
Inihayag ni Sinas, kahit nakakulong sa Bilibid si Ygot nagpapatuloy ang
milyon-milyong transaksiyon nito sa iligal na droga.
Layon ng pagpapatupad ng freeze order sa mga ari-arian ng mga drug
lord ay para maiwasan itong mabenta.
Sinabi ni Sinas, mahigpit ang kanilang koordinasyon sa AMLC hindi
lamang sa mga kasong may kaugnayan sa illegal drugs kundi maging
sa terorismo lalo na duon sa mga indibidwal na siyang nagbibigay ng
financial support sa mga terorista.