Pinalawig pa ng Court of Appeals ang freeze order nito sa lahat ng mga bank account at assets ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo hanggang Enero 10, 2025.
Kinumpirma ito ni AKO BICOL Party-list Rep Raul Bongalon, na siyang budget sponsor ng Anti-Money Laundering Council sa isinagawang interpolasyon sa budget ng naturang konseho.
Kabilang sa mga ari-arian ni Guo na na extend ang freeze order ay ang 13 certificates of titles na nagkakahalaga ng P 464,986,600.
Kung maaalala, ipinag-utos ng CA ang pag freeze sa lahat ng ari-arian ng dating alkalde dahil sa umanoy pagkakasangkot nito sa ilegal na operasyon ng POGO.
Ayon naman sa Anti-Money Laundering Council, ang pagpapalabas ng nasabing kautusan ay upang mapigilan ang paggamit ng nasabing asset habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ay legal na proseso.
Bukod sa mga certificates of titles, na freezed din ang 90 bank accounts , real estate properties high-value personal properties na kinabibilangan ng mga mamahaling sasakyan at helicopter.
Samantala, nahaharap si Guo sa money laundering complaints.
Sakaling mapatunayan na sangkot siya sa ganitong uri ng ilegal na aktibidad, maaari itong makulong ng 7 hanggang 14 na taon.
Nahaharap rin ang dating alkalde sa kasong graft at qualified trafficking in person at iba pang kaso.