-- Advertisements --

Pumanaw na sa edad 88 ang sikat na French actor na si Alain Delon.

Ayon sa pamilya nito, namayapa ito sa bahay nila sa Douchy habang napapaligiran ng kaniyang tatlong anak.

Bagamat hindi na binanggit pa ang sanhi ng kamatayan nito subalit noong 2019 ng siya inatake sa puso at mula noon ay humina na ang katawan.

Taong 1957 ng gumanap siya bilang hitman sa pelikulang “Quand la femme s’en mêle” o “Send a Woman When the Devil Falls”.

Mula noon ay sunod-sunod na ang mga pelikula niya.

Nakakuha ito ng best actor award sa Cesar Award ang katumbas sa France na Oscar awards.

Nanguna naman si French President Emmanuel Macron na nagbigay pugay sa namayapang actor.