-- Advertisements --
Binawi ng France ang kanilang ambassador sa Mali matapos ang naging komento nito sa nagaganap na military junta sa nasabing bansa.
Si Joel Meyer ay binigyan ng 72 oras para lisanan ang bansang Mali.
Inihayag kasi nito na ang military junta sa Mali ay hindi makontrol.
Mula pa noong nakaraang mga taon ay hindi na naging maganda ang relasyon ng Mali at France.
Nagbunsod ang tensiyon sa Mali ng ipinilit ng military junta na alisin ang halalan sa Pebrero at manatili sila sa kapangyarihan ng hanggang 2025.
Inakusahan naman ng France ang Mali na nag-uudyok ng kaguluhan ng dalawang bansa.