Nananatiling nakakubli sa publiko ang tunay na pagkatao ng isang artist na si “JR.”
Siya ay 36-anyos at ipinanganak sa France ng mga magulang na immigrants mula sa Tunisia.
Si JR ang responsable sa mga dambuhalang posters ng mga ordinaryong tao sa Kenya, New York, Cuba, Turkey, Siberia, Mexico at Sierra Leonne.
May pagkakataong naaaresto ang grupo nila dahil sa kawalan ng permit para sa mga aktibidad.
Sa Israel, dinakip ang grupo ni JR, pero nang sila ay pakawalan ay itinuloy uli ang paglalagay ng posters ng mga mukha sa border wall kahit puno ng tensyon.
Sa Providencia, sakop ng Caribbean island, isang lola na naulila ng batang pinatay sa kanilang lugar ang naging instant celebrity nang ilagay ni JR ang larawan ng ginang sa mga 80 baytang na hagdan sa mataong lugar.
Samantala, sa border ng Estados Unidos at Mexico, makikita ang napakalaking larawan ng batang mistulang tumatawid sa bakod, pero ang totoo ay malayo naman iyon sa fence.
Ginawa raw ito bilang parte ng protesta laban sa polisiya ni US President Donald Trump.