-- Advertisements --
Nagbitiw si Cardinal Philippe Barbarin ng Lyon, France matapos na mapatunayang guilty sa cover-up sa mga sexual abuse.
Unang napatawan ng anim na buwang suspended prison sentence ang kardinal matapos na mabigong magbigay ng ulat mula Hulyo 2014 at Hunyo 2015 sa mga nangyayaring sexual abuse ng paring si Bernard Preynat.
Sinabi ni Vincent Neymon ang deputy secretary general ng Bishop’s Conference of France (CEF), maghahain ng kaniyang resignation si Cardinal Barbarin kay Pope Francis.
Ayon naman sa abogado ni Barbarin na kanilang iaapela ang nasabing ruling dahil hindi sila kumbinsido sa rason ng korte.
Ang iskandalo kay Barbarin ay kasunod nang hatol din kay George Pell sa Australia at ang pagsibak ng Santo Papa sa isa pangkardinal sa Amerika.