-- Advertisements --

Hindi makukulong ang french filmaker na si Christophe Ruggia kahit pa sinintensiyahan ito ng guilty ng hukuman sa France dahil sa kasong rape na isinampa ng French actress na si Adèle Haenel.

Ayon sa desisyon ng korte laban sa French filmmaker apat na taong pagkakakulong ang ipinataw sa kaniya ngunit dalawang taon ang isususpinde at ang natitirang dalawang taon naman ay isisilbi sa kaniya gamit ang electronic bracelet sa halip na sa bilangguan ang kaniyang punta.

Pinagbabayad din ng danyos si Ruggia ng 15,000 euros (P905,655) bilang danyos kay Adèle Haenel, pati na rin ang 20,000 euros (P1,207,540) upang masakop ang mga gastusin sa mga therapy na kinailangan ni Haenel dahil sa epekto ng pang-aabuso sa kaniya.

Nagudyok ang insidente ng maging direktor ni Haenel sa pelikulang ‘The Devils’ noong 2002 si Ruggia at diumano’y nakaranas ng sexual harrassment ang aktress noong siya ay menor de edad palamang.

Sa dalawang araw na pagdinig noong Disyembre 2024, emosyonal na inilahad ni Haenel ang kanyang karanasan at sinabi na pinaniwala siya umano ni Ruggia na siya ay may utang na loob dito para sa kanyang karera.

‘Who was there to say: ‘It’s not your fault. It’s grooming. It’s violence’?,’ ani Haenel sa loob ng trial.

‘You can’t abuse children like that,’ sabi ni Haenel sa korte, na tinutukoy ang mga pag-abusong ginawa sa kaniya.

Inanunsyo naman ng mga abugado ni Ruggia, sa pangunguna ni Fanny Collin, na maghahain sila ng apela laban sa hatol.

‘Because we cannot accept this injustice, Christophe Ruggia is as we speak on his way… to appeal the ruling,’ pahayag ni Collin sa media pagkatapos ng paglilitis.

Samantala ang akusasyon na ginawa ni Haenel noong 2019 ay gumimbal sa French film industry kung saan bumagal ang pagkilala sa usapin tungkol sa ‘sexual abuse’ kumpara sa #MeToo movement ng Hollywood.

Ang tapang ni Haenel na lumantad ay nagsimula ng mas malawak na usapin tungkol sa pang-aabuso sa mundo ng pag-arte sa France noong 2020.

Kaugnay pa rito ang protesta na ginawa ni Haenel sa César Awards, kung saan siya ay naglakad palabas matapos ipagkaloob ang isang parangal kay Roman Polanski, isang beteranong direktor na wanted sa Amerika para sa statutory rape.