Makikipagkita si French Foreign Affairs Minister Catherine Colonna kay Ukraine President Volodymyr Zelensky at sa kaniyang counterpart na si Dmytro Kuleba sa Kyiv para ipakita ang pakikiisa ng France sa Ukraine at magbigay ng karagdagan pang suporta para sa Ukraine.
Ang pagbisita ni Colonna sa Ukraine ay kasunod ng kritisimo mula sa ilang diplomats at political analysts na hindi ito kumikilos para suportahan ang Ukraine sa pakikipaglaban nito kontra sa Russia.
Kabilang dito ang humanitarian at financial support at pag-suplay ng defense equipment.
Pag-uusapan din ang pagharang sa grain at oil seed exports mula sa Ukraine.
Bibisitahin din ng French foreign minister ang town ng Bucha at magbibigay ng donasyon para sa civil security equipment kabilang ang fire trucks at ambulance.
Nakatakda rin na makipagkita ang European leaders para ipakita ang kanialng suporta sa Ukraine kasabay ng lalo pang pagpapaigting ng pag-atake ng Russian forces para masakop ang Sievierodonetsk na isang key city sa southeastern Donbas region na prayoridad ng Moscow na ganap na makontrol.
-- Advertisements --