-- Advertisements --

Ibinunyag ng Russian government na tumangging sumailalim sa COVID-19 test si French President Emmanuel Macron noong ito ay dumalaw sa kanilang bansa.

Ang nasabing test ay isang protocol na ipinapatupad sa mga bumibisita sa kanilang bansa.

Umayaw rin ang French President ng PCR test dahil sa takot na makuha ng Russia ang kaniyang DNA at gamitin pa umano sa mga negatibong paraaan.

Pinagpili kasi si Macron na sumailalim sa PCR test para makalapit kay Russian President Vladimir Putin sa kanilang meeting o ipatupad na lamang ang social distancing na pagpupulong.

Mas pinili ni Macron ang social distancing na pagpupulong noong nakausap si Putin.

Magugunitang nagtungo si Macron sa Russia para hikayatin na iwasan na ang planong paglusob sa Ukraine.