-- Advertisements --
Fly Hoverboard
Fly hoverboard/ IG post

Nabigo ang French inventor ng jet-powered hoverboard na si Franky Zapata na tawirin ang English Channel na nagkokonekta sa Britain at France.

Isinagawa ng 40-anyos ang tangka nitong pagtawid subalit nabigo itong maabot ang platform na nakalagay sa bangka ng subukan niyang magrefuel.

Sinabi pa ng dating jet ski racing champion na nawalan ito ng balanse kaya bumagsak ito sa tubig.

F ZAPATA
Franky Zapata/ IG post

Nasira ang kaniyang flying hover board at labis na pasalamat nito dahil wala itong natamong anumang sugat.

Target sana nitong matawid ang 35 km na English Channel sa loob lamang ng 20 minuto.

Ang flyboard ay tulad ng isang skateboard na pinapatakbog ng limang maliliit na makina at pinapagana ng kerosene na inilagay ni Zapat sa backpack ang may bigat na 104 pounds.

Unang hinangaan ang nasabing ginawa ni Zapata sa Bastille day parade noong July 14 na lumipad ng hanggang 500 talampakan.