-- Advertisements --
Sugatan ang French inventor na si Franky Zapata matapos na bumagsak ang kaniyang inimbentong jetpack sa bayan ng Biscarrosse, France.
Kabilang kasi si Zapata sa isang exhibition event kung saan gamit ang kaniyang inimbentong flyboard ng ito ay mawalan ng kontrol.
Nagpaikot-ikot ito sa ere at bumagsak ng hanggang 15 meters sa Lake Biscarosse.
Agad naman itong dinala sa pagamutan at patuloy na nagpapagaling.
Sumikat ang dating jet-ski champion ng tumawid ito sa English channel gamit ang inimbentong jetpack noong 2019.