-- Advertisements --
Patay matapos maaksidente ang kilalang French jetpack pilot na si Vince Reffet.
Ayon sa kampo nito, nasawi si Reffet habang nasa training sa pagpapalipad ng jetpack sa Jetman Dubai.
Ang Jetmann Dubai ay isang jet-powered wingsuit na kayang mag-take off mula sa lupa at lumipad ng mataas.
Noong Pebrero ay nag-viral si Reffet sa social media dahil sa siya ng unang piloto na nag-demonstrate ng paglipad ng mataas habang nakasuot ng jet pack.
Aabot sa 20,000 talampakan ang taas nito at kayang lumipad ng 13 minuto na may bilis na 253 miles per hour.
Nakilala rin ang 36-anyos na si Reffet sa BASE jumping kung saan tumalon ito mula sa Burj Khalifa ang pinakamataas na gusali sa buong mundo noong 2014.