-- Advertisements --

Patay si French Members of Parliament Olivier Dassault matapos ang pagbagsak ng sinakayang nitong helicopter sa north-western France.

Naganap ang insidente sa Normandy kung saan magbabakasyon sana ang itinuturing na bilyonaryo ng France.

Ang 69-anyos na si Dassault ay anak ng industrialist na si Serge Dassault na gumagawa ng mga Rafael war planes at may-ari ng Le Figaro newspapers.

Nahalala siya sa National Assembly ang lower house ng parliament noong 2002.

Base sa isinagawang imbestigasyon na biglang bumagsak ang AS350 Écureuil na chopper ilang minuto pagkatapos nitong lumipad sa isang pribadong lupain.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang maraming opisyal ng nasabing bansa.