-- Advertisements --

Hindi pa rin lubos na akalain ni Australian tennis star Ashleigh Barty na nasungkit niya ang kanyang unang Grand Slam singles title.

Nagapi kasi ni Barty ang Czech teenager na si Marketa Vondrousova sa kanilang pagtutuos sa French Open final.

Pinakain ng alikabok ng eighth seed ang 19-year-old na si Vondrousova 6-1 6-3 sa Paris clay.

“It is unbelievable, I’m a little speechless, I played almost the perfect match,” wika ni Barty.

“It has been a crazy two weeks.

“It is a special place here for Australian players and I’m incredibly proud of what I’ve been able to achieve.”

Inaasahang aakyat sa ikalawang puwesto sa world rankings si Barty sa pagsasapubliko ng pinakahuling standing sa susunod na linggo.

Dahil dito, si Barty na ang highest-ranked Australian woman sa standings, na huling nangyari noong Disyembre 1976 sa panahon ni Evonne Goolagong Cawley.

Samantala, kahit na talunan ang 38th-ranked na si Vondrousova, sigurado naman ang puwesto nito sa top 20 sa unang pagkakataon.