-- Advertisements --
Papayagan ng organizers ng 2020 French Open ang mga fans na manood sa torneyo na magsisimula ngayong buwan.
Ayon sa French Tennis Federation, ang venue na Roland-Garros kung saan gaganapin ang laro ay hahatiin sa tatlong bahagi na mayroong maximum na 5,000 fans sa dalawang bahagi at 1,500 fans lamang sa ikatlong bahagi.
Dagdag naman ni tournament director Guy Forget, na sasailalim sa COVID-19 testing ang mga manlalaro bago ang torneyo pagdating nila sa Paris.
Makakapaglaro lamang ang mga ito kapag nagnegatibo na sila sa COVID-19 test sa loob ng 72 oras.