-- Advertisements --
Sakkari vs Swiatek
Maria Sakkari (left) Iga Swiatek (R) / IG post

Nabigo si French Open defending champion Iga Swiatek na ipagtanggol ang kaniyang titulo matapos na talunin siya ni Maria Sakkari sa quarter-finals ng torneo.

Nakuha ng Greece tennis player ang score na 6-4, 6-4 par tuluyang tapusin ang pamamayagpag ng 20-anyos na Polish tennis star.

Target sana ng world number nine na si Swiatek na mapanatili ang kaniyang titulo mula ng maidepensa noon ni Justine Henin noong 2007.
Susunod na makakaharap ni ng world number 18 na si Sakkari si Barbora Krejcikova ng Czech Republic.