-- Advertisements --

Bumisita sa White House si French President Emmanuel Macron kung saan personal na nakapulong nito si US President Donald Trump.

Ilan sa mga natalakay ay ang pagkakaroon ng mahigpit na ugnayan ng dalawang bansa.

Nagkaroon pa ng pagkontra ang dalawa matapos na sabihin ni Trump na pinapautang umano ng Europa ang Ukraine sa paglaban sa Russia.

Subalit paglilinaw ni Macron na hindi umano ito pautang sa Ukraine at sa halip ito ay tulong na para malabanan ang panunupil ng Russia.