-- Advertisements --
Binisita ni French President Emmanuel Macron ang mga residente ng Mayotte ilang araw matapos na tamaan ang lugar ng malakas na bagyo.
Nasa 31 katao ang kumpirmadong nasawi sa nasabing bagyo subalit pinangangambahan ng mga residente na mas marami pa ang bilang ng mga nasawi.
Magpapalipas si Macron ng magdamag sa lugar para tignan ang mga kalagayan ng residente doon.
Pagtitiyak niya na kaniyang tutulungang makabangon muli ang mga residente na sinalanta ng nasabing bagyo.