-- Advertisements --
French President Emmanuel Macron
French President Emmanuel Macron (video grab)

Idineklara ngayon ni French President Emmanuel Macron ang kanilang unang panalo sa giyera laban sa coronavirus.

Nagsalita si Macron upang ibigay na rin ang hudyat nang pagbubukas ng mga cafes at restaurants sa maraming lugar sa France.

Gayundin ang pagpayag ng pamahalaan na makabiyahe na sa iba pang mga European countries basta sundin lamang ang social distancing rules.

“As soon as tomorrow we will be able to turn the page on this first chapter across all our territory,” ani Pres. Macron. “This does not mean that the virus has gone and that we can completely drop our guard. The summer of 2020 will be a summer unlike any other and we will need to watch the evolution of the epidemic to be prepared in case it comes back with renewed strength.”

Liban dito pinapayagan na rin ang mamamayan na makabisita sa mga miyembro ng pamilya na nasa mga retirement homes na matinding tinamaan ng COVID-19 outbreak.

Ilan sa mga bansa ay nagsunuran na rin sa pagbubukas ng kanilang mga borders patungo sa iba pang mga EU countries.

Kinumpirma rin ni Macron na ganon din ang mangyayari sa Paris region, na una nang nagtala ng highest number of cases sa France.

Kung maaalala maraming mga sikat na tourist spots ang una na ring ini-lockdown sa Paris.

Samantala ang mga eskwelahan naman ay muling magbubukas sa June 22 liban na lamang sa mga high schools.

“We must continue to avoid gatherings as much as possible because we know that they are the main opportunities for the spread of the virus – they will therefore remain closely supervised,” wika pa ni Macron sa televised message.

Ang France ang pang-13 sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng coronavirus kung saan halos 30,000 na ang mga namatay.