Dumating na nitong Linggo si Chinese President Xi Jinping sa bansang France para sa state visit na pamumunuan ni French President Emmanuel Macron bilang paggunita rin sa 60 years ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
Isa umano sa mga pag-uusapan ng dalawang lider ay ang pagkumbinsi ni Macron kay Xi na huwag nitong suportahan ang Russia sa laban kontra Ukraine.
Makikipag-usap din si Xi kay EU Commission chief Ursula von der Leyen sa Paris na susundan naman ng state banquet.
Ito ang kauna-unahang state visit ng presidente ng China sa Europe mula 2019 kung saan bibisitahin niya rin ang Serbia at Hungary.
Hinimok naman ng ilang rights groups na kausapin ni Macron si Xi Jinping tungkol sa karapatang pantao kung saan inakusahan nila ang pangulo ng China na hindi umano nirerespeto ang human rights ng Uyghur Muslim minority gayundin ang pagpapakulong umano nito sa mga mamamahayag.