-- Advertisements --

Kinumpirma ni French President Emmanuel Macron na may naisip na siyang isang kasunduan upang maiwasan ang digmaan sa Ukraine.

Bago ang mga pagpupulong sa Moscow kasama ang pangulo ng Russia na si Vladimir Putin noong Lunes, nanawagan siya para sa isang “new balance” upang maprotektahan ang mga European states at mapatahimik ang Russia.

Muli niyang sinabi na ang soberanya ng Ukraine ay hindi para sa talakayan.

Nagtipon na ang Russia ng mga tropa sa Ukraine border ngunit itinanggi ang pagpaplanong pagsalakay.

Ang Moscow ay gumawa ng sunud-sunod na mga kahilingan, kabilang na ang alyansa ng pagtatanggol ng NATO na iwasang maging miyembro ang Ukraine, at bawasan nito ang presensyang militar nito sa silangang Europa.

Tinanggihan ito ng mga Western countries sa halip ay nagmumungkahi ng iba pang mga lugar ng negosasyon, halimbawa ng mga pag-uusap sa pagbabawas ng nuclear weaponry.

Sinabi ni Macron na ang layunin ng Russia ay “hindi ang Ukraine, ngunit isang paglilinaw ng mga patakaran… kasama ang NATO at ang EU”.

Sinabi niya na umaasa siya na ang kanyang pakikipag-usap sa pangulo ng Russia ay magiging sapat upang maiwasan ang hidwaan ng militar.

Naniniwala rin siyang magiging bukas si Mr Putin sa pagtalakay sa mas malawak na mga isyu.

Si Mr Macron, na nakipag-usap din kay US President Joe Biden noong Linggo, ay nagbabala laban sa pagkilos ng Moscow na gagawa ng mga unilateral na hakbang upang mabawasan ang sitwasyon at sinabing ang Russia ay may karapatang magpahayag ng sarili nitong mga alalahanin.

Iginiit nito na dapat protektahan ang mga mamamayan sa Europa sa pamamagitan ng pagpapanukala ng isang new balance na may kakayahang pangalagaan ang kanilang soberanya at kapayapaan.

Dapat itong gawin habang iginagalang ang Russia at nauunawaan ang mga “kontemporaryong trauma ng “great people and great nation.”

Ang paglabas ni Mr Macron sa international spotlight ay nauna rin sa nakatakdang halalan ng pagkapangulo ng France sa Abril.

Ang pangulo ng Pransya ay nanawagan para sa isang panibagong relasyon sa Russia noon at noong Enero sinabi niya na ang EU ay dapat magbukas ng sarili nitong dayalogo sa Moscow, sa halip na umasa sa Washington.

Samantala, muling nagbabala ang gobyerno ng US na maaaring salakayin ng Russia ang Ukraine anumang oras.

Nauna nang sinabi ng dalawang opisyal ng US na ang Russia ay nagtipon na ng humigit-kumulang 70% ng kinakailangang kakayahan sa militar para sa isang ganap na pagsalakay sa Ukraine.