-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si French President Emmanuel Macron.
Ayon sa Elysee Palace, nakaramdam ito ng sintomas kaya nag-isolate siya ng isang linggo.
Magiging virtual aniya ang kaniyang trabaho habang ito ay naka-isolate.
Dahil dito ay kinansela ni Macron ang nakatakdang biyahe niya sana sa Lebanon sa susunod na linggo.
Maging ang 67-anyos na French first lady na si Brigitte Macron ay naka-quarantine at si Prime Minister Jean Castex ay nag-quarantine din.
Nagdesisyon din sina Portuguese Prime Minister Antonio Costa, Spanish Prime Minister Pedro Sanchez at European Council President Charles Michel ay nag-quarantine din bilang precautionary measures matapos na makasalamuha si Macron ng magpulong ang mga ito kasama ang mga European leaders.