-- Advertisements --

Nahaharap ngayon sa matinding pressure si French President Emmanuel Macron, dahil sa patuloy na pagkalat ng mga wildfires.

Ayon sa mga local officials na napapanahon na para dagdagan ang mga bumbero nila.

Isa sa mga sentro ng sunog sa France ay ang Gironde kung saan aabot na sa mahigit 19,300 hektarya ng lupain ang nasunog.

Sinabi naman ni French Interior Minister Gérald Darmanin na halos 20 sunog ang sumisiklab sa France at lahat aniya ng mga ito ay naapula na.

Sa kasalukuyan ay aabot sa limang major wildfires ang nararanasan sa France.