-- Advertisements --

Binato ng itlog si French President Emmanuel Macron habang ito ay nasa isang kaganapan sa bayan ng Lyon, France.

Tumama ang itlog sa balikat ng pangulo at ito ay nabasag sa semento.

Agad naman na inaresto ng mga otoridad ang lalaking nambato ng itlog kay Macron.

Itinuloy naman ni Macron ang pag-ikot sa food event at binalewala ang pagbato ng itlog sa kaniya.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na binato ng itlog si Macron dahil noong 2017 noong kasagsagan ng kaniyang pangangampanya ay nabato na rin ito ng itlog na nabasag ito sa kaniyang ulo.

Nitong Hunyo naman ng sinampal siya ng isang lalaki habang nagsasalita sa kumpol ng katao sa southeastern France.