-- Advertisements --

Ikinagulat ni French President Emmanuel Macron ang pananakit ng tatlong kapulisan sa isang black music producer sa Paris.

Hindi na ito nagbigay pa ng anumang komento pero tinalakay niya ang insidente kay Interior Minister Gerald Darmanin.

Sinuspendi na at iniimbestigahan na ang tatlong kapulisan na sangkot sa pananakit sa biktimang si Michel Zecler.

Dahil sa pagkalat ng nasabing video sa social media ay kinondina ito ng iba’t-ibang grupo.

Maging si Paris Mayor Anne Hidalgo ay nagulat din sa pangyayari at sinabing hindi niya ito palalampasin.

Nagbunsod ang pananakit matapos na sitahin si Zecler dahil umano sa hindi nito pagsusuot ng facemask.

Matapos ang pananakit ay ikinulong pa ito dahil sa pagtangging sumama sa mga otoridad.