Tiniyak ni French President Emmanuel Macron na mayroon itong bagong prime minister na itatalaga.
Kasunod ito sa pagbibitiw sa puwesto ni Prime Minister Michel Barnier matapos ang no-confidence vote sa parlyamento.
Sa 10-minutong talumpati niya, nanindigan si Macron na hindi ito bababa sa puwesto.
Handang tapusin niya umano ang kaniyang termino ng hanggang 2027.
Nagsasagawa na rin ito ng pulong sa mga lider ng Socialist kung saan handa silang bumuo ng “fixed-term” government pero hindi sa ilalim ng prime minister mula sa right-wing party.
Pinasalamatan ni Macron si Barnier dahil sa kaniyang dedikasyon sa trabaho kahit na sandali lang itong naging Prime Minister.
Inakusahan din ni Macron ang mga miyembro ng Parlyamento dahil sa pakikipag-sabwatan sa “anti-republican front” na nais na pabagsakin ang kaniyang gobyerno.