Nangako si French President Emmanuel Macron na muling isasaayos ng gobyerno ang nasirang parte ng Notre Dame Cathedral sa loob lamang ng limang taon.
Ito ay kasunod ng naglabasang videos na nagpapakita kabayanihan ng mga bumbero upang tuluyang apulahin ang apoy.
Magsisilbi umanong oportunidad ito upang magkaisa ang lahat at magsilbing paalala na hindi pa tapos ang magandang istorya at kasaysayan ng France.
Samantala, tila nagliliwanag naman daw ang ginintuang krus sa altar ng simabahan matapos itong makaligtas mula sa sunog.
Kasama rin sa mga mahahalagang relics ng simbahan ang naligtas tulad ng 18th century organ na mayroong higit-kumulang 8,000 pipes. Natanggal naman ang estatwa mula sa bubungang bahagi ng simbahan ilang araw bago maganap ang sunog.
Halos 13 milyong turista taon-taon ang bumibisita sa tanyag na Notre Dame Cathedral na sinimulang itayo noong 1163 an natapos noong 1345.