-- Advertisements --

Pinagkaguluhan ng mga mamamayan ng Lebanon si French President Emmanuel Macron ng ito ay personal na bumisita sa naapektuhan ng pagsabog sa Beirut.

https://www.instagram.com/p/CDjaQtVos7y/

Sinabi nito sa mga mamamayan na gagawa siya ng bagong kasunduan sa Lebanon para matigil na ang nagaganap na pamumulitika.

Dagdag pa nito na kaya siya nagtungo sa lugar ay para magbigay ng tulong kung saan may dala itong mga gamot at pagkain.

Magugunitang umabot sa mahigit 130 na ang nasawi at ilang libo na rin ang nasugatan sa pagsabog umano ng nakaimbak na ammonium nitrate sa bodega na malapit sa pantalan ng Beirut.

Dahil sa pangyayari ay maraming mga mamamayan ng Beirut ang nagalit sa gobyerno dahil sa kapabayaan ng mga ito at hinayaan na mangyari ang pagsabog.