-- Advertisements --
Wala na umanong sintomas ng COVID-19 si French President Emmanuel Macron.
Ayon sa kaniyang opisina na dahil dito ay posibleng tapusin na niya ang kaniyang pag-quarantine.
Naka-isolate kasi ang pangulo sa presidential retreat sa Paris kung saan patuloy pa rin ito nagtatrabaho.
Noong nakaraang Linggo ay nagpositibo ito sa virus matapos ang pagdalo niya sa EU summit.
Dahil dito ay inanunsiyo ng mga lider na sila ay mag-iisolate rin baka posibleng nahawaan sila ni Macron.
Maging ang asawa nito na si Brigitte Macron ay naka-isolate na rin subalit wala naman itong sintomas.