-- Advertisements --
Hindi itinuturing ng French prosecutor na arson o sinadya ang pagkasunog ng tanyag na Notre-Dame cathedral.
Sinabi ni Paris public prosecutor Remy Heitz na walang anumang indikasyon na sinadya ang nasabing sunog.
Ito rin ang lumabas na imbestigasyon ng mga bumbero na umapula sa mahigit na 14 na oras na pagkakasunog ng simbahan.
Nilinaw naman nila na patuloy nilang iniimbestigahan ang mga trabahador na gumagawa ng renovation sa nasabing lugar.
Patuloy pang isinara ang buong simbahan habang tiniyak ng gobyerno ng France na kanilang maibabalik ang nasabing simbahan.