Natapos na ang halos 51 taong misteryo sa biglaang pagkawala ng French Navy submarine sa Mediterranean Sea noong 1968 matapos itong mahanap ng mga otoridad.
Naglaho ang Minerve submarine noong Enero 27, 1968 na may sakay na 52 crew members.
Base sa anunsyong inilabas ng mga otoridad, kinumpirma nito na nahanap nila ang parte ng nawawalang Daphne-class submarine sa Var coast ng France.
“We have just found the Minerve,” ani French defense minister Florence Parly sa kaniyang Twitter account. “It’s a success, a relief and a technical feat. I think of the families who have been waiting for this moment so long.”
Natagpuan umano ang submarine sa 18.5 nautical miles (21.3 miles) ng Toulon kung saan itinuturing ang lugar na ito bilang main naval base ng France. Nahati din umano sa tatlong bahagi ang nasabing sasakyang pandagat.
Tumulong sa paghahanap ng naturang submarine ang French Navy, French Research Institute for Sea Exploration (Ifremer) at Seabed Constructor.
“Our thoughts go out to the families of the 52 missing sailors,” saad ng French Embassy sa Washington D.C gamit ang kanilang official Twitter account.
Ibinahagi naman ni Admiral Christophe Prazuck ang ilang imahe mula sa mga bahagi ng natagpuang submarine. Malinaw pa rin na makikita ang pangalan na naka-ukit mula sa katawan nito.