-- Advertisements --

Nakuha ni Jannik Sinner ang unang puwesto ng Association of Tennis Professionals (ATP) rankings.

Dahil dito ay siya ang unang Italian na maitalaga sa nasabing puwesto.

Umabot sa semifinals ng French Open si Sinner hanggang siya ay talunin ni Carlos Alcaraz na nagkampeon.

Nasa pangalawang puwesto si Alcaraz sa WTA Rankings habang pumangatlo naman ang 37-anyos na si Novak Djokovic.

Mula kasi noong Setyembre ng nakaraang taon ay hawak ni Djokovic ang number 1 na puwesto suablit dahil sa kaniyang injury ay umatras ito sa semifinals ng French Open.