-- Advertisements --
Arestado ang isang French tourist dahil umano sa pag-iispiya sa Iran.
Ang 36-anyos na si Benjamin Brière ay inaresto noong Mayo 2020 ay hinatulang makulong ng walong taon.
Tinawag naman ni France foreign ministry na hindi katanggap-tanggap ang nasabing hatol.
Iginiit ng abogado nito na si Philippe Valent na hindi siya nabigyan ng patas na imbestigasyon.
Dinagdagan pa ng walong buwan ang kaniyang hatol dahil sa propaganda laban sa Islamic system ng Iran.