-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Hindi sukat akalain ng isang fresh graduate na midwife na magiging viral siya at ang kaniyang kasama sa ginawang pag-aaruga sa mag-inang ipinanganak sa tabi ng daan sa lungsod ng Koronadal.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Myene Dajay, pauwi na sana ito sa boarding house kasama ang kaniyang kaibigan nang nakita nilang may manganganak sa tabi ng daan kaya kanila itong tinulungan.

Kaagad siyang umasiste sa midwife sa pag-aalaga ng mag-ina at masiguro ang kalagayan ng mga ito.

Maliban kay Dajay, naging saksi rin ang camerawoman na si Kimkim Magtanong kung saan pinagalitan niya ang mga tao dahil nakamasid lamang sila at hindi gumagalaw sa naturang eksena.

Nabatid na hindi magkakilala ang dalawa ngunit naging instant friends dahil sa pangyayari.