Umaasa sana ang aktres na si Empress Schuck na madadagdagan na ang kanilang pamilya. Subalit sa social media post ng aktres, ibinahagi nito na wala na ang kanyang ipinagbubuntis.
Pag-amin ni Empress, dalawang embryo ang nabuo sa kanyang sinapupunan hanggang sa unang nawala ang isa. At ngayon nga ay ikinalulungkot niya ang tuluyang pagkawala ng kanyang anak sa sinapupunan.
“This year, we would’ve been a family of four or even five. From two embryos, to one, then to none. I’m still not sure how to talk about it. I just know that sometimes our plans for ourselves don’t align with God’s plans for us.”
Empress Schuck
Pinasalamatan din ng aktres ang kanyang asawa na si Vino Guingona dahil sa pananatili nito sa kanyang tabi sa kabila ng mga nangyayari. Aniya, hindi man nila mailarawan ang kanilang nararamdaman ay sapat nang sila’y magkasama para mas maging mabuti ang lahat.
“To my husband, Vino Guingona, who’s been by my side and making sure I feel alright through this puzzling experience, you are truly God’s blessing to me. We may not exactly understand how we feel about this but having each other is enough to say that everything will be ok. To our family who showed us care and love, thank you and we appreciate all of you.”
Empress Schuck