-- Advertisements --

LAOAG CITY – Haharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang frontliner na nurse matapos ang anti-illegal drug buybust operation sa Brgy. Valdez, Batac City, Ilocos Norte.

Nakilala ang suspek na si Mark Evon Baguinon y Languisan, 28, binata, registered nurse at residente ng Brgy. 8 Acosta, Batac City, empleyado ng Department of Health at nakatalaga sa City Health Office ng nasabing lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Laoag kay chief master Sgt. Harold Nicolas ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), nahuli nila si Baguinon matapos magbenta ng limang sachet ng hinihinalang shabu sa police posuer-buyer.

Nakuha pa sa posisyon ng suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu, P1,000 marked money, P4,000 boodle money, P1,000 genuine bill, P800 personal money isang cellphone at motorsiklo.

Dagdag ni Nicolas, aabot sa P39,000 ang halaga ng hinihinalang shabu.

Si Baguinon ay nasa drug wacthlist ng INPPO at high value individual (HVI) ng regional watchlist ng PRO1.