-- Advertisements --

ECQ2

Makakatanggap ng P500 per day COVID hazard pay ang mga mga frontliner cops sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (GCQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ito ang kinumpirma ni PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF) commander Lt Gen. Joselito Vera Cruz.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Lt.Gen.Vera Cruz, kaniyang sinabi na ang mga personnel na naka-deploy sa mga quarantine control points sa panahon na umiiral ang ECQ at MECQ ang siyang maaaring maka-avail sa COVID allowance, hindi sakop dito ang mga pulis na nagre-report sa mga opisina.

“During ECQ and MECQ lang Anneā€¦ at yung mga naka duty lang during the implementation ng ECQ/MECQ ang pwede mag-avail kaya yung mga personnel lang natin sa mga ECQ & MECQ areas ang pwede lang mag claim nito. Part ng collateral allowances ng PNP itong Covid Hazard Pay kaya pag mas mataas yung ibang collateral allowance na entitled ang isang PNP personnel, hindi na siya nag cla-claim nito kase nga yung nasa policy namin 1 collateral allowance lang ang pwede mo i-claim,” mensahe pa ni Lt. Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Sinabi din ng heneral na may mga PNP units na batay sa kanilang inisyatiba at donasyon mula sa private sector ang namamahagi ng food supplies, vitamins at supplements sa kanilang mga tauhan na nagmamando ng mga checkpoints.

Habang ang mga respective police units naman ang siyang nag-iisyu ng Personal Protective Equipment (PPE) sa kanilang mga tauhan.

Nakatutok din ang PNP Health Service sa mga gamot na kakailangin ng mga personnel sa field sa kabila na limitado lamang ito.

Ang mga pulis na nagkakasakit at naka-confine sa government at private hospitals ay maaring i-reimburse ang kanilang hospitalization expenses.

Paliwanag naman ni Vera Cruz, “collateral allowance yung subject to entitlement at hindi automatic. Example nito is Combat Duty Pay sa mga assigned sa operating units, Instructor Duty Pay sa mga assigned sa training institutions, Occupational Specialty Pay sa mga assigned sa IAS. Allowed lang na 1 collateral allowance kay kung alin ang mas mataas ang amount yung ang kini-claim nila. May separate order ito for entitlement being issued by DPRM.”