-- Advertisements --

Nahaharap sa malaking hamon ang mga athleta ng Philippine national sailing team na hirap makapag insayo sa kanilang mga tahanan na kailangan pa rin ng outdoor excercises o mag insayo sa tubig lalo na sa mga kasamahang frontliners na kailangan pa magkaroon ng oras sa practice matapos ang nakakapagod na trabaho o pakikipaglaban sa Corona Virus Disease 2019 (Covid-19).

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay head coach Ridgely Balladares ng Philippine Sailing team, sa ngayon aniya ay nagkakaroon sila ng virtual exercises kung saan nakikita niya ang tamang aktibidad ng mga athleta dahil mahirap kung masanay ang mga ito na walang ginagawa habang hindi pa ligtas na lumabas at magsamang mag ensayo para mapaghandaan pa rin ang kanilang mga magiging laban pag ligtas na sa banta ng Covid-19.

Dagdag pa ni Balladares na marami silang pinaghahandaang mga laro sa iba’t-ibang bansa ngunit hindi siya magdadalawang isip na kanselahin ito kung may banta pa rin ng Covi-19 sa kanilang mga pupuntahan bilang pag una sa kaligtasan at kalusogan ng mga athleta.