-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Ibinaon sa lupa ang frozen meat na nasabat sa quarantine checkpoint sa Brgy. Casambalangan, Sta. Ana, Cagayan.

Sinabi ni PMaj. Harvey Pajarillo ng PNP Sta. Ana, nangangamoy na ang mga nasabing karne ng baboy na nakalagay sa 20 styrofoam at cooler na lulan sa isang tracking.

Ayon kay Pajarillo, walang permit mula sa Food and Drug Administration ang frozen meat na tinatayang nagkakahalaga ng P50,000.

Sinabi umano ng sakay ng tracking na dadalhin ang mga nasabat na frozen meat sa Sun City, nagpapatakbo ng casino at liesure resort sa Sta. Ana.