Naniniwala si PNP chief PDGen. Oscar Albayalde na “out of frustration” lang kaya nasambit ni Pang. Rodrigo Duterte na ang tanging kasalanan nito ay ang mga nangyayaring extra judicial killings (EJK) sa bansa.
Sa press conference ni Albayalde ngayong hapon sa Kampo Crame kaniyang sinabi na “frustrated” ang Pangulo dahil sa kaliwat kanang batikos na natatanggap ng pamahalaan mula sa mga kritiko.
Mariin namang itinanggi ni Albayalde na may inilabas na kautusan si Pang. Duterte sa PNP para patayin ang mga mahuhuling drug personalies.
Binigyang-diin ni Albayalde na kahit nuong siya pa ang NCRPO chief ay walang kautusan na inilabas si dating PNP chief Ronald Dela Rosa na patayin ang mga mahuhuling drug pusher at drug addict.
Aminado si Albayalde na mayroon talagang mga pulis na lumalabas sa karapatang pantao at may mga grupo na sinasamantala ang war on drugs campaign ng pamahalaan.
“There is no direct nor indirect order from the President on EJK even before with the former PNP chief Ronald Dela Rosa, there was no such order while I was NCRPO chief,” pahayag ni Albayalde.