-- Advertisements --

Natamaan ng Ukraine air strike ang isang fuel storage facility sa kanlurang bayan ng Belgorod ng Russia.

Ayon kay Vyacheslav Gladkov nagkaroon ng sunog sa petrol depot dahil sa isang air strike na isinagawa ng dalawang helicopter ng Ukrainian army na pumasok sa teritoryo ng Russia sa mababang altitude.

Dalawang empleyado sa storage facility ang nasugatan dahil sa sunog.

Aabot naman sa 170 tauhan ang nagsikap na apulahin ang apoy.

Ang Rosneft na nagmamay-ari ng pasilidad, ay nagsabi na inilikas nito ang mga kawani mula sa lugar.

Noong Miyerkules, maririnig ang mga pagsabog mula sa isang arms depot sa Belgorod ngunit hindi nagbigay ng anumang paliwanag ang mga otoridad sa mga pagsabog.

Nasa 40 kilometro (25 milya) ang Belgorod mula sa hangganan ng Russia sa Ukraine at mga 80 kilometro mula sa lungsod ng Kharkiv ng Ukrainian, na apektado ng mga puwersa ng Russia mula nang ilunsad ng Moscow ang digmaan nito noong Pebrero 24.