Maaaring matapyasan ang revenue collection ng pamahalaan at mas marami pang pagkakautang na maaaring magresulta ng pagsipa ng national debt ng hanggang 61% ng ekonomiya ang suspensiyon ng fuel excise tax ayon sa Department of Finance.
Batay sa analysis ng DOF, ang budget deficit ay maaaring tumaas ng hanggang 8.2% ng gross domestic product (GDP) ng kasalukuyang taon kung ihihinto ng pamahalaan ang pangongolekta ng excise taxes sa langis sa gitna ng nararanasang oil price hike.
Bilang resulta, mapipilitan aniya ang pamahalaan na taasan ang borrowings nito sakaling tumaas pa ang finacing costs dahil sa epekto ng nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III maaaring pumalo ang debt-to-GDP ratio ng hanggang 17 taon sa 61.4% mula sa projected na 60.9%.
Aabot din aniya sa P105.9 billion ang mawawala sa revenue na binubuo ng P94.6 billion sa excise taxes at P11.3 billion naman mula sa value-added tax ngayong taon mula sa suspensiyon ng fuel taxes na ipinapatupad sa ilalim ng Tax reform for Acceleration and inclusion (TRAIN) law.
Ibinabala ni Dominguez na ang pagsuspendi ng TRAIn taxes sa langis hanggang sa taong 2032 ay maaaring umabot sa average na P160.3 billion kada taon o 0.5% ng GDP at kabuuang P1.76 trillion pagsapit ng taong 2032.
Sa halip, ipinanukala ni Dominguez ang pamamahagi ng P33 billion mula sa unconditional cash tarnsfer sa mga mahihirap na kalahating porsyento ng populasyon para maibsan ang impact ng mataas na presyo ng langis.